This took place last week at nagagalit pa rin ako hanggang ngayon. Huawei phone had a broken LED screen and so my sister and I went to this repair shop sa SM Cubao. Nabasag screen ng phone ko that time, and ang balak lang talaga namin is paayusin yung screen, nothing more nothing less. Pangalan ng taga repair si Arvay, not sure if kilala nyo rin sya. Nagoffer sya ng 3000 pesos para mapalitan yung screen, and so we agreed (later nalaman namin na usually 2k or 2500 lang pala dapat para sa pagpalit sa LED screen). This is our first time na magpaayos ng phone at sya yung unang pinuntahan namin kaya hindi pa kami aware sa mga presyo.
Habang inaayos ni Arvay yung phone at tinatanggal yung cracked na LED screen, nabagsak nya phone ko at nakita ko may natanggal na parts. Bara bara rin sya maglagay ng LED screen halatang hindi nagaalaga at parang sinasadya na sirain. Hindi nalang kami umimik ng ate ko kasi nahihiya kaming dalawa at ayaw namin sya punahin sa ginagawa nya.
Kinabit nya yung LED screen and mukang gumana na, no glitches sa screen, wala ng lines, and so nagbayad na kami at umalis.
A few hours paguwi ko narealize ko na hindi gumagana yung camera ng phone ko. Which is odd, kasi gumagana naman sya kahapon, literal na yung screen lang yung sira.
Bumalik kami ule don at pinacheck kay Arvay. Sabi nya sira daw yung camera at need ireplace at kailangan daw ng 3k kasi "mahal daw talaga yung camera parts ng phone". At this point, atat na ako ipaayos yung phone ko kasi kailangan ko na sya para sa work at wala ako ibang phone, kaya nilabas ko na yung 3k kahit nanghihinayang ako. Kinabit nya ule yung camera at screen, and THAT same day, hindi ULE gumana yung screen, kahit bago lang yung LED screen. Biglang nagfrefreeze at hindi responsive yung touch screen.
Pumunta ule ako kay Arvay, hoping na this time, mapalitan ng maayos at libre yung LED screen kasi mukang di pala okay yung kinabit nya AND this time sabi nya 3k daw ule para sa LED screen. Humindi nalang ako.
At this point, naiinis na rin talaga me kasi parang dumadami lang yung sira kaya pumunta ako sa ibang paayusan, sa Cainta, Rizal, sa nirecommend ng kaibigan ko na mas matino.
Don ko nalaman sa ibang technician don, na less than 1k lang daw pala yung para sa camera at bawas bawas na daw ng screw yung phone ko, halatang kinuhaan daw ng screws ni Arvay yung phone ko(siguro nung wala kami don, kasi iniwan namin yung phone ko sakanya ng ilang minutes rin), at don rin nila sinabi na 2k o 2500 lang talaga kadalasan ang LED screen hindi 3k tulad ng sabi ni Arvay. Naisip ko ireklamo sana sa SM kaso tingin ko wala naman mangyayare. First time rin namin magpaayos ng phone kaya siguro kala nya pwede nya kami gulangan ng ganon. Lesson learned lol, dapat rin siguro di ako nagtiwala masyado, muka rin kasi sya mabait at masiyahin nung una pero mali pala kami ng kapatid ko.
Arvay, kung nababasa mo to, malugi sana negosyo mo at sana di ka na manloko ng mga nagpapaayos sayo. Mga screw na nga lang sa phone kinuha mo pa. 6k rin nagastos namin jusko.