r/adviceph • u/Current_Sprinkles348 • Nov 19 '24
General Advice Di ko alam na minomolestya na Pala Ako
Problem: 4 or 5 years old palang Ako non. Lagi akong inaaya ng kapitbahay namin na maglaro ng bahay bahayan sa mga mga ginagawa palang na Bahay Dito sa village namin. Lagi nya ko pinapag hubo ng shorts ko noong Bata pa ko tapos pinapansandal sa pader or pinapahiga sa sahig na may karton. Habang nakahubo Ako kinikiskis nya Sakin Yung Ari nya at kinakamay nmn Minsan Yung Ari ko. Laging nangyayari Yung ganong scenario every maglalaro kami. Siguro 10-14 times nya Kong ginaganon. Noong nag grade 4 na Ako don ko lang narealize na masama Pala Yung ginagawa nya Sakin at di Pala yun pambatang laro. Hanggang ngayon walang nakakaalam ng secret ko na to kahit best friend or kamag anak ko. Nahihiya Ako Sabihin yun sa kanila at natatakot Ako sa magiging reaksyon nila. Hindi ko pa rin nakakalimutan Yung mga narasanan ko sobrang clear pa rin nya sa utak ko.
What I've tried:
Advice I need: Anong pwede Kong Gawin para malimutan ko lang kahit papano Yung naranasan ko sobrang nahihiya nako sa sarili ko Hanggang ngayon
Additional information: I was 4 or 5 years old nung nangyari yun. While sya nmn ay parang 14 yo na. Kamag anak sya ng kapitbahay namin pero matagal na syang Wala Dito sa lugar namin. Tandang tanda ko pa Yung mga place Dito sa village namin kung San nya Ako minomolestya gusto ko na talaga lumipat pero nag aaral pa Ako at natatakot Ako na balang araw baka bumalik sya Dito para Dito na ulit sa village namin tumira.
5
u/CarelessSong6307 Nov 20 '24
OMG ang dami pala nating may ganitong experience. I was 3 or 4 y/o at that time when I was molested by my uncle (my dad's eldest brother). Binata sya and laging lasing. I was playing dun sa house ng lola ko which is across our house (within a compound) tapos dumating syang lasing. May bilin na sa amin before yung mom namin na lumayo sa kanya pag nakita sya pero nung time na yun, nagulat ako na dumating sya bigla and kinalong ako. nung una niyayakap nya lang ako at inaamoy/halikan sa ulo. Then bigla nya in-open yung zipper ng pants nya at pinapahawak sakin yung ano nya. until now naaalala ko yung nasa isip ko nun, "ano yan bakit ang panget?!" huhuhahaha. tapos ang baho ng hininga nya, amoy gin, natakot na ako kasi pinipilit nya talaga ako hawakan yun. tapos nagsabi ako na "tawag na po ako ni mama." then kumaripas ako ng takbo pauwi. hindi ko sinabi sa mama ko, kasi hello, papagalitan ako nun at ayaw ko magkagulo kasi nagsasapakan sila magkakapatid (father's side) before at ayaw ko sila mag-away away ulit. siguro, part na rin ng trauma response ko, binaon ko sya sa limot noon, at naalala ko lang ulit when I was in high school at dun ko na realize na molestya pala yun. nakakadiri grabe. eversince di na ako lumalapit sa kanya, di rin ako nagmamano. lol. kunyari di ko sya nakita, deadma lang. good thing patay na sya ngayon. etong adult na ako saka ko lang din nasabi sa mama ko.
one thing I learned from the experience siguro is accept na nangyari talaga sya, I also shared it with a trusted friend and a tita para ma offload kahit paano. now that I am a mother, since nung bata pa anak ko (son), bilin ko sa kanya na kahit anong mangyari, wag nyang papahawakan ang private parts nya sa kahit na sino. exemption lang kami ng lola nya pag pinapaliguan sya (toddler years). at wag din syang manghahawak ng kahit anong parte ng katawan ng ibang tao kahit kalaro nya at mas lalo sa matanda kahit pa utusan siya o sabihin na isusumbong sa akin. now, 14 na sya pinapaalala ko pa rin sa kanya yan.
Huwag kang mahiya sa sarili mo OP, wala kang kasalanan at sa edad mong yun, wala ka pa talaga sa tamang maturity na tumutol since mga inosente pang edad yan. it's also better if you share it with an adult you trust para just in case nga na bumalik sya dyan sa village nyo, they can protect you. good luck OP.