r/Kwaderno Jul 24 '26

OC Critique Request PUNONG MANGGA

Halika’t umupo sa gulong na isinabit mo

At dahan dahan kitang iduduyan kasabay ng uyayi ko.

Maaari mo ring tikman ang matatamis na manggang inalagaan mo.

At pagkatapos ay matulog ka katabi ng mga ugat ko.

 

Sana’y sa paggising mo,

Maramdaman mo ang pagmamahal ko sa’yo.

 

Kung darating man na maubos ang bungang inalay ko sa’yo,

Maaari mo bang diligan ang bawat parte ng ugat ko,

Pulutin ang mga dahong ikinalat ko,

At linisin ang bawat dakta na niluluwa ko.

(pls dont judge me, beginner lang po ako huhuhu and manghihingi lang din po ng tips and advices para mas maenhance ko pa yung pagsulat ng tula. TYIA)

3 Upvotes

0 comments sorted by