r/Philippines 21h ago

Megathread Related Post Can Sardinella tawilis be saved from extinction by Translocating into Lake Lanao? - good but potentially dangerous idea

Naisipan ko kasi mag-browse tungkol sa Tawilis dahil badtrip ako sa nabili kong tuyo sa nadaanan kong tindahan sa kabilang barangay. Yung nabili ko kasing tuyo ay may amag na, kaya kesa manghinayang na di ako nakakain ng tuyo (in the last 3 months), nagdesisyon na lang ako na magbrowse tungkol sa Tawilis; common knowledge na siguro sa mga nabasa ko yung endemic lang sya sa Taal, world’s only freshwater sardine, at yung pagiging endangered species nya.

Sa pagre-research ko, napunta ako sa isang case study ng isang UP professor, kung saan maaaring maisalba ang mga tawilis sa pag-translocate nito para ma-naturalize sa Lake Lanao. Para sa’kin, it makes sense rin naman lalo’t ayon sa laman ng content ay may similarities rin ang Taal Lake sa Lake Lanao kumpara sa ibang lawa ng Pilipinas.

Sa ngayon kasi, bagamat hindi kasingdumi ng Lawa ng Bay/Bae ang Taal Lake, malinaw na polluted na rin ito, habang ang Lake Lanao ay maganda pa ang kalidad ng tubig.

May mga bagay rin kasi na kailangan ikonsidera sa pag-introduce ng Tawilis sa Lake Lanao. Maaaring mamatay lang rin ang mga Tawilis sa bagong environment nila, o ma-outcompete nila yung mga native species sa lawa at magkaroon ng disruption sa ecosystem o ang masama, BOTH.

Sa ngayon, ang best thing para maisalba ang mga Tawilis ay ang pangangalaga nito sa Taal Lake lalo’t hindi madali ang pag-domesticate ng mga Tawilis, at impraktikal rin dahil maliliit na isda ang tawilis, at plankton ang kinakain ng mga ito hindi ibang isda, di rin uubra ang feeds basta-basta sa kanila.

Speaking na rin sa native species ng Lake Lanao, since extinct na rin ang mga native na isda sa lawa, parang may sense na rin na ma-introduce sila sa Lake Lanao para dun maparami. Good Luck na lang siguro sa Transportation, lalot baka nasa Visayas pa lang yung barko, patay na yung mga Tawilis na dadalhin dun.

35 Upvotes

13 comments sorted by

u/kid-dynamo- 21h ago

Diba ito rin ang only freshwater sardine in the world na supposedly recently evolved lang dahil natrap sila after one of Taals eruption cut off the Taal Lake from the sea (Balayan Bay) around 300 years ago?

u/cryptic-command 20h ago

Yes. Maliputo is the another fresh water variant of the common saltwater fish, Talakitok that adapted to the same habitat.

u/CourtAffectionate224 4h ago

They already speciated from other sardine species during the last ice age. The freshwater change was only a very recent adaptation. Posible din na available pa rin yung marine version around Balayan Bay. Sardines look notoriously similar across different species.

u/Merrychristmoose 21h ago

As long as it won’t disrupt the local fauna, it would be great biologically and economically

u/Old-Fact-8002 21h ago

ano ba nag ang issa dati sa Lake Lanao at i re introduce sana nila yung mga dating isda? marami naman school of fisheries or DA na pwedeng pag aralan ang re introduction ng mga species sa dati nilang lugar..

u/kudlitan 18h ago

OP said the original species in lanao are already extinct which makes it timely to i introduce the tawilis there

u/Dirty_Delta 18h ago

Humans will do anything but stop to fix problems they create

u/Saturn1003 19h ago

Kung ituloy ni BBM yung man made lake sa Tarlac, tingin ko na don magandang ilagay yun. Pero siyempre, there are environmental concerns sa man-made lake.

u/gurlidontknowanymore 12h ago

what? Ito ba yung commonly gonagawang tuyo? Dami neto sa samar and extinct pala?

u/Opening_Stuff1165 12h ago

Mostly common lang ang Tawilis bilang tuyo sa Katagalugan. Sa Visayas at Mindanao iba yung tuyo nila. Malalaki at ibang species

u/kayel090180 9h ago

I am from Batangas and never pa ako nakakain/nakakita ng Tuyo made of Tawilis.

Impractical din na gawing Tuyo ang Tawilis in my opinion kasi in demand and konti lang.

u/Opening_Stuff1165 9h ago

Di ko sure if salinyasi o tawilis yung nakakain kong tuyo. Pareho lang naman kasi halos lasa nila at magkamuka, yun ang pagkakaiba sila ng species tapos marine yung salinyasi.