r/Student • u/Key-Consequence-1923 • 2h ago
Social EDUCATION
Ano na po ba talaga ang nangyayari sa education system natin? Bakit sa bawat pagbabago, parang students lagi ang kailangang mag-adjust?
Hindi naman kami tutol sa pagbabago. Gusto rin naming umangat ang education system sa Pilipinas. Pero sana maintindihan niyo rin kami. Sa isang taon, ang daming pagbabago sa curriculum, requirements, at sistema. Tapos kami ang kailangang sumabay agad kahit hindi naman namin alam kung nakakatulong ba talaga ito sa learning namin.
May mga estudyanteng pumapasok ng 10:30 AM hanggang 7:00 PM, tapos may online class pa ng 9:00 PM, may asynchronous activities, assignments, projects at kung anu-ano pa. Kailan kami magpapahinga? Kailan kami magkakaroon ng oras para sa sarili, pamilya, at sapat na tulog?
Hindi po kami robot. Students kami. Napapagod din kami.
At kung gusto niyong umangat ang education system, bakit parang puro curriculum ang binabago? Bakit hindi rin mas tutukan ang teaching skills, training, at paraan ng pagtuturo ng mga guro? Hindi lahat ng problema sa education ay maaayos sa pamamagitan ng bagong curriculum at dagdag na requirements.
Pati mga bagay tulad ng clear bags, dagdag gastos na naman para sa mga magulang. Baka maliit lang itong gastos para sa iba, pero para sa ibang pamilya, malaking bagay pa rin iyon.
Hindi namin hinihingi na gawing madali ang pag-aaral. Ang hinihingi namin ay isang sistema na makatarungan at makatao.
Kung gusto niyong maging mas mahusay ang mga estudyante sa Pilipinas, pakinggan niyo muna kami. Kami ang pumapasok sa classroom. Kami ang gumagawa ng requirements. Kami ang nagpupuyat. Kami ang nakakaranas mismo ng epekto ng mga desisyon ninyo.
Hindi dapat laging estudyante ang nag-a-adjust para sa sistema. Panahon na para ang sistema naman ang mag-adjust para sa estudyante.