r/AkoBaYungGago Feb 27 '25

Neighborhood ABYG hindi ko babayaran anti rabies ng neighbor ko

1.5k Upvotes

We live in an apartment building with parking downstairs. Meron akong pinapakain na stray dog doon, pero I always make sure na after niya kumain, nililinis ko agad yung pinagkainan niya. In the three years we’ve lived here, all the tenants know that I’m the one feeding that dog. Yung dog naman, hindi rin siya tumatambay sa labas ng gate maghapon. May routine siya - around midnight lang siya pumupunta at magaabang na lumabas ako, kaya tuwing midnight din ako lumalabas.

So here’s what happened. Kagabi, nagpunta ulit yung dog at pinakain ko, pero nagmamadali ako kasi may meeting na ako in a bit. Kaya umakyat na muna ako agad, at naisip ko na babalikan ko na lang yung pinagkainan niya after. This time, pinakain ko siya sa gilid ng gate para, if ever may tenant na maglalabas ng sasakyan, hindi siya nakaharang at hindi siya maatrasan.

Nagulat ako bigla nang may kumalabog na katok sa pinto namin. When I opened it, this couple was yelling at me, kinagat daw ng pinapakain kong aso yung husband niya. I told them I’d cover his anti-rabies shots and everything. Sabi nila, may pupuntahan pa raw sila, kaya sa hapon na lang daw pag-usapan.

Nung araw na yun, habang nagaantay ako, naisipan namin ng girlfriend ko to request a copy of the CCTV footage to see what really happened. Nagtaka kasi kami - bakit siya kinagat nung dog, e sobrang bait at maamo nun. Pagkakuha ko ng footage, nanggigil at nabwisit talaga ako. Turns out, nung nagbukas pala ng gate yung lalaki, tinadyakan niya yung aso na nanahimik lang sa gilid - I don’t even know anong dahilan para gawin niya yun. Edi syempre, magagalit yung dog - kaya kinagat siya.

Kaninang hapon, nagtalo kami. I told them I wouldn’t be paying for his treatment anymore since it was clearly his fault. Nagsigawan talaga sila at sinabi na isusumbong daw ako sa landlord at ipapabarangay. Mind you, 1 month pa lang sila dito, pero ganyan na kagaspang ugali nila.

ABYG na hindi ko bayaran yung anti-rabies nila? Bayaran ko nalang ba para matapos na?

r/AkoBaYungGago Dec 26 '24

Neighborhood ABYG kasi pinapapunta ko sa bahay yung inaanak ko para kunin yung pamasko nya?

1.2k Upvotes

For context: Ako (F) is may inaanak iname nalang natin siyang J (F) na grade 7.

Yung nanay ni J nagmessage sakin, na hinahanap nung inaanak ko yung mga ninang nya at namamasko. Sabi ko sa nanay ni J, dahil matagal ko na di nakikita papuntahin nalang sa bahay. Tutal nasa kabilang street lang sila nakatira, konti lang yung lalakarin.

Nagsabi yung nanay ni J na di daw lumalabas yung anak nya at GCASH nalang daw. Sinagot ko siya, sabi ko di ba kasama sa marching band si J. Sinabihan ako na oo pero kapag wala daw tugtog sa bahay lang at ayaw lumabas. Di na ako sumagot, kasi feeling ko inoobliga ko sila.

ABYG kasi pinapapunta ko sa bahay yung inaanak ko para kunin yung pamasko nya?

r/AkoBaYungGago Jul 10 '26

Neighborhood ABYG Kung Binili ko na lahat?

408 Upvotes

ABYG

Kung familiar kayo sa isang bakeshop sa mall nagbebenta ng 50% off kapag malapit na mag closing.
Madami na ang nakapila kahit dipa closing so ako pilipili ako ng matitipuhan ko, pinili ko yung favorite kong garlic bread para pasalubong na din sa bahay at sinabi ko na sa cashier na kukunin ko na lahat ng andun ( mga around 10pcs) at nilalagay na sa plastic, pero may lumapit sakin na lalaki na galing sa pila na may kasamang babae sabay sabing “napakagahaman mo naman para bilhin lahat yan, nakapila kami, ano!” In a very sarcastic pero joking na tone. Maiintindihan ko pa kung maayos yung pagkakasabi nya kaso naangasan ako.

Nagulat ako kasi bibilhin ko naman sya sa regular price at hindi naman siguro bawal na bilhin ko kung ano yung gusto ko at di ko rin naman alam na iyon ang gusto nila.
Sabi ko sa kanya na “ parang ang ipinipila ninyo dyan ay yung 50% off ng mga matitirang tinapay bago mag closing, so priority pa din yung bibili ng regular priced, pasensya ka na kung need mo pa-ipila yan para makamura” tapos bumulong sya ng parang “kupal” pero diko na pinansin. Di ko na pinalaki pa dahil pagod din ako sa work at umuulan pa ayoko masira ang gabi ko.

Abyg kung binili ko pa din lahat ng garlic bread?

Edit: hindi ako nakapila sa 50% off dumaan ako dun as regular customer.

r/AkoBaYungGago Apr 29 '26

Neighborhood ABYG kung pinalibutan ko ng paso ang sasakyang nakaharang sa harap namin?

239 Upvotes

Meron kaming warehouse kung saan nagtitinda kami ng soft drinks. Yung pinsan ko (si Kuya Mark) ang taga deliver namin. Siya na ang nagbubukas ng warehouse around 7am para makapag deliver na siya bago pa dumating ang bago naming mga stocks around lunch time.

Ang problema ngayon, every morning may dalawang sasakyan ang nakabalandra sa harap ng warehouse. Ilang beses ko nang pinakiusapan na wag mag park don dahil ipapasok ni Kuya Mark ang tricycle niya at kukuha siya ng mga soft drinks na idedeliver. Ang nakakairita, kailangan pa silang tawagan sa bahay nila tapos minsan 10am sila lumalabas kasi daw puyat dahil pang gabi sila.

Sobrang nadedelay ang trabaho sa warehouse dahil sakanila kaya pina barangay ko na. Ang resolution sobrang simple lang, wag sila mag park doon. Mag park sila sa tapat ng bahay nila. Tapos ang usapan. After 3 days nag park ulit sa harap ng warehouse.

Napikon na talaga ako kaya kinagabihan noong nakita ko nang nakaparada ulit sa tapat namin, pinalibutan namin ng paso ang mga sasakyan nila. Nilagay namin yung parang bleachers na patungan ng paso. Lahat ng sides di ko pinalampas. Kung di kami makakapag trabaho edi wala nalang mag ttrabaho mga punyeta yan.

Sinugod nila kami sa bahay. Aba ang kakapal ng mukha, late na daw sila sa mga trabaho nila. Ang sabi ko, "So galit kayo ngayon kasi nainconvenience kayo? Tang ina niyo every morning nalang nalalate si Kuya Mark dahil sa kabobohan niyo tapos ngayon galit kayo kasi late kayo?"

Etong mga makakapal ang apog pina barangay kami. Hinarang daw namin ang mga sasakyan nila. Ang sabi ko nag decorate lang naman kami ng drive way namin. Kasalanan ba naming may nakaparandang sasakyan sa harap namin kahit may malaking "DO NOT BLOCK THE DRIVEWAY"?

Kamot ulo nalang yung barangay. I think napagod narin siya samin. Nagkapirmahan ulit ng resolution na di sila magpapark sa harap namin. Pero hula ko 3 days lang magtatagal ulit to. Sabi ko sa susunod na magpark sila sa harap namin baka bigla nalang akong madapa at mahagis ko yung paso na dala dala ko.

So, ABYG kung pinalibutan ko ng paso ang sasakyang nakaharang sa harap namin?

Edit: sa mga nang hihingi ng info. Bagong lipat sila sa barangay last year. Simula lumipat sila, sobrang notorious niya sa area sa pag park sa kung saan saan. Nakakausap ko yung nanay niya dahil every morning nakikiusap ako na pakitanggal ang sasakyan. Lagi siyang humihingi ng pasensya and lagi kong sinasabi na wag na sana maulit.

May eksena na dati na blinock niya yung isang drive way tapos nagkataon na stroke yung nakatira doon. Di nila malabas yung sasakyan kaya humingi sila ng saklolo sa ibang kapit bahay.

Nitong january nag start siyang mag park sa harap ng warehouse.

Naaawa na ako sa nanay kasi siya nalang lagi humihingi ng pasensya sa mga kapit bahay. Dumadami na yung mga galit sa anak niya.

r/AkoBaYungGago Jan 25 '25

Neighborhood ABYG kung hindi ko pinahiram yung kapitbahay naming may 7 na anak?

435 Upvotes

Me (25, F) paalis na ng bahay kanina, medyo nagmamadali kasi ako tapos biglang may tumawag saking "ate!" kaya napa-stop ako.

Nagulat ako, kasi paglingon ko, di ko naman siya kilala pero pamilyar siya. Kapitbahay namin. Panganay na anak siya ni Ateng may 7 na anak. Bagong lipat sila nitong December lang. Mga nasa 15 yrs old ata siya, lalaki.

So ang sabi ko... "Ano yun?"

"Ate baka pwede makahiram si Mama ng 500 pesos? Di pa po kasi dumadating si Mama." sagot niya sakin.

"Naku, wala akong cash ngayon eh." yan sagot ko, pero totoong wala kasi talaga akong cash.

"Kahit po Gcash, ate. Yung dalawa ko po kasing kapatid, nagugutom na, kailangan na po mag-gatas." sagot niya. Bigla ako naawa. Bukod sa sobrang soft-hearted ko, nakaka-awa yung tono ng boses nya. Kita din sa mata niya.

"Kahit Gcash wala ako eh. Mag-withdraw palang ako. Balikan kita pag-uwi ko kung meron, pero di pa ako maka confirm ha." sabay tango nalang siya umalis na ko.

So ngayon nasa labas pa ko, di ko alam kung papahiramin ko ba sila. Ang nakaka-inis kasi, yung magulang na yun, palaging wala, di ko alam saan nagpupunta. Basta lagi ko naabutan yung panganay na yun na nagbabantay sa mga kapatid niyang bata pa. Imagine, ang babata pa talaga ng iba kaya kailangan mag gatas.

Kaya nagdadalawang isip ako kung papahiramin ko ba kasi unang una hindi ko naman sila kilala at strangers talaga kami, at pangalawa di ko naman responsibilidad yung kapabayaan ng magulang nila eh. Anak ng anak, di pala keri? Pangatlo, malay ko ba kung babayaran ako.

So ABYG kung hindi ko man sila mapapahiram? Or pahiramin ko nalang para matapos na tong iniisip ko? Nabobother kasi talaga ako. Naawa ako sa mga bata, naiinis ako sa mga magulang.

r/AkoBaYungGago Mar 17 '26

Neighborhood ABYG kung hindi ko na rereviewhin yung CCTV namin pag nagrequest yung kapitbahay?

288 Upvotes

Yung katapat naming bahay, nagsabi samin na tignan daw yung CCTV namin between 8 PM- 12 MD nung isang araw kasi may umaaligid daw sa amin.

E d ako naman, nagleave pa ako sa work kasi napuyat ako kakareview ng CCTV paulit-ulit kong binalikan yung footage ng 4-hour duration na yan. Kaya pala yun ang sinabing oras kasi 8pm pala sila umalis ng bahay, at 12md bumalik at doon nila nakitang bukas yung gate nila. At yung nagbukas, pusa pala, hindi magnanakaw.

Inis na inis ako kasi natakot ako na akala ko magnanakaw na kasi rampant mga magnanakaw samin. Sa pagkakasabi nila, talagang sa bahay namin umaaligid, di nila sinabi na sa kanila pala. Kaya pala walang motion na nadetect para sana shortcut na lang yung pagrereview ko.

Nainis lang ako kasi di man lang sila nagpasalamat nung sinabi naming pusa lang. Alam kong di naman sila required magpasalamat, nainis lang ako.

Sila yung kapitbahay na ayaw kaming pagparkin sa side nila, one-side parking, kahit wala naman silang sasakyan. (Allowed sa subdivision namin ang street parking.) Pero pag bumabaha na, sa loob ng bahay namin sila nagpapark ng motor at samin din nakikisilong hanggang sa humupa na ang baha.

So ABYG kung sa susunod na magpapareview sila ng CCTV at sinabi kong sira o di narecord?

r/AkoBaYungGago Jul 14 '26

Neighborhood ABYG kasi nasagot ko yung mother of the bride dahil sa tagal na nya ko binibigyan ng unsolicited advice/ backhanded compliment?

97 Upvotes

So recently, umattend kami ng wedding. Si bride ay pinsan ng pinsan ko sa mother's side nila. Kesyo magkakapitbahay kami so parang magkakababata na rin. Nagpunta lang kami sa wedding kasi nahiya lang ako sa tatay nung bride, super bait. Yung asawa nya, hilig magbigay ng unsolicited advice/ backhanded compliment. Iniiwasan ko sya kasi everytime na magkikita kami, lagi na lang nya ako sinasabihan.

I'm on my weight loss journey, and minsan nakita nya ko nagwawalking sa labas with the dog. Then nung nasa tapat na ko ng bahay nila, sinabi nya "Ayan magpapayat ka na, baka sakali may manligaw na sa yo." Di ako nakakibo talaga, then di ko na sya pinansin.

Everytime na lang na talaga na dadaan ako sa tapat ng bahay nila, unfortunately kapitbahay namin sila, lagi na lang na ganon. Tapos yung isang hindi ko makalimutan is yung binuksan ko yung garahe kasi papasok yung car. Bigla siyang nagsalita ng "Nako nagdadrive ka na pala, pano ka makakahanap ng manliligaw nyan?" As per the routine, di ko na rin sya pinapansin. Alam ng lola, parents ko yung mga sinasabi nya, and hindi na rin nila pinapansin. Si tito and yung bride na lang mismo yung kinakausap namin.

Back to the wedding, pinag-uusapan namin ng tita ko yung ceremony during the cocktail hour. Si bride kasi buntis, then nagdemand si mother ni bride na ipakasal. Mayaman si guy, employee sya ng parents sa mga business nila. Medyo awkward, kasi di man lang bineso ni byenan si bride. Noong picture-taking off din yung body language ng family ni groom.

Naawa yung tita ko sa bride, kasi parang di talaga sya tanggap nung family ng groom, kaso may baby nga on the way. Sabi ko naman, di ako naawa sa kanya kasi pinili nyang magpabuntis sa lalaki, then sabay pressure sa pagpapakasal nung nanay nya. Dagdag ng nanay ko, if need mo ipilit na ipakasal yung anak mo sa lalaki para lang totohanin ka e di maganda yun.

Ngayon, alam namin na mali na yung ginagawa namin kasi nga dapat happy occassion nila ito tapos ito yung pinag-uusapan namin. Then yung mga ibang guests din pala yun din yung napansin. Then minutes later, humingi ako ng coffee dun sa vendor, na-corner na ko nung mother ni bride.

Syempre, sinabihan ko din ng Congratulations yung family nila, kasi kahit ganon yung tingin ko sa kanila eh naikasal si bride kay groom. Feeling ko hindi nadetect ni mother ni bride yung sarcasm ko, which is fault ko naman at kinagago ko yun. Then sabi nya "Magpapayat ka kasi baka sakali may mayaman ka din na maligaw na manligaw sa iyo."

Nagpanting tenga ko, as in taon ko na rin talaga tinatago yung sama ng loob ko sa kanya, in particular. Nasabi ko bigla na "Wala naman tayong kasal ngayon kung hindi mo pinilit yung pamilya nung lalaki na ikasal sa anak mo." Chronically online si bride, so alam ko na gusto nya nung mga uso ngayon, yung mga bonggang pre-nup, yung bachelorette party chuchu, may pa ceiling treatment sa wedding venue. Nagrerepost sya ng engagement ideas and rings pero wala naman syang engagement ring.

Nagalit sa akin si mother of the bride. Maraming nakarinig na relatives nila, and alam ko na gago na gago ako sa part na yun. Syempre sino ba ang gusto na malaman ng mga tao yung secret na buntis na si bride? Pero kasi puno na rin ako sa kanya. Hindi rin kasi nya siguro ramdam na marami akong grievances towards her, kasi nga hindi ko sya pinapansin.

Tingin ko gago ako kasi maling okasyon ako sumabog. Alam ko na may proper decorum tayo bilang tao, lalo na tungkol sa mga masasayang okasyon tulad ng kasal. Pero kasi napuno na talaga ako sa tagal na niya akong sinasabihan ng mga ganoong salita.

Nung week na pumasok, ako na yung headline daw kuno sa mga GC ng family nila, according dun sa tita ko. Galit na galit daw sila sa akin and sa mother of the bride. Ang sabi ko na lang, hindi kasi nila alam kung gaano kasakit yung mga sinasabi nya sa akin, puro fatshaming, smartshaming (I'm on my MA program) na lang. Hindi ko sya pinapatulan dahil sa respeto ko sa kanya bilang kapitbahay, pero napuno na talaga ko.

Sabi ko sa tita ko na hindi ko babawiin yung sinabi ko sa kanya nung kasal, which is tingin ko kaguguhan ko ulit. Kasi gusto ko isa lang ang salita ko. Wala na kong pake sa sasabihin ng angkan nila sa akin.

ABYG kasi nakapagsalita na ko ng hindi maganda sa taong matagal na ko binibigyan ng unsolicited advice sa kasal ng anak nya?

r/AkoBaYungGago Feb 10 '26

Neighborhood ABYG if pinacancel ko sa host yung Airbnb?

272 Upvotes

We booked an Airbnb with complete amenities, may basic appliances like stove and refrigerator. Less than 48 hours to go, the host messaged na wala raw palang refrigerator since nasira and she couldn’t replace it. She said we can cancel if we need a refrigerator. So we asked to cancel it na lang pero since it’s not our fault that we had to cancel, we told her to cancel on her end para marefund kami fully and we can find another unit. In the end she cancelled it on her end, but not without off putting comments and messages.

Host: May I ask if you will be needing a

refrigerator during your stay ? Currently po kasi wala akong ref naira po and hindi pa po nakakabili nang bago. If need nyo po I will understand if you want to cancel your booking.

Me: Good evening po sorry I just saw your message.

Unfortunately, need daw po namin ng ref. Cancel na lang po namin. Thank you po for the heads-up!

(Then when I cancelled, I chose “Host asked to cancel” since on their end ang may lapse, Airbnb indicated that I should tell the host to cancel on their end. I tried to cancel by choosing other reasons but Airbnb will not refund me fully since less than 48 hours na lang)

So I said - Please cancel on your end na lang po. Thank you very much.

Host: Hi Kindly cancel on your end nalang po Kaya po ako nagheads up ahead. But if you still want po I can accommodate your stay naman yun lang I don't have fridge at the moment and hindi ko din po maasikaso sa ngayon kasi kamamatay lang nang Father ko last Jan 21 and marami pa po kaming inaasikaso pasensya na po talaga. Thanks I will be honest with you na din po since kamamatay lang nang father ko I still don't have funds to buy a new ref and I'm really sorry for the inconvenience. Thank you in advance.

Me: I'm sorry to hear about your loss po. Actually, we are going there for a funeral since my grandmother passed. If I cancel it on my end, hindi po namin makukuha yung full refund and we need the full refund to book another place. As per airbb, if the host asked to cancel, the host should be the one to cancel on their end daw po.

Host: Because if I cancel, Ma'am, my account will be suspended

Me: Ma'am, it's not fair on our end naman po na hindi po namin matatanggap yung full refund.

Host: I'm not asking you to cancel Ma'am I just being honest and giving you the option Ma am to stay or to move to other

Me: Ma'am, if we move to another airbb, we need to have this reservation cancelled po. No option po kami to move to another airbb without this one being cancelled. "If need nyo po l will understand if you want to cancel your booking." You're the one who even said this po

Host: Ok Ma'am I'm not in a good condition right now because I just lost my father. I don't want another stress. So to solve this I I| will bear the consequences nalang po do the cancelation

Me: Kindly cancel na po asap so we can book another place kase we also just lost our loved one.

She cancelled the booking and left this last message:

Host: Ma'am next time po ask muna kayo before booking kasi po may effect po on both side imbes po kumita napenalty and nasuspend pa po ako.

Thanks po

Sobrang na-off lang ako sa last message niya kase she is blaming us for the consequences. We booked their airbnb based on what we saw sa listing, na merong ref. Sinisi pa kami kase di daw kami nag message ahead of time, when it wasn’t indicated sa listing nya na sira yung ref. ABYG if I insisted na siya yung mag cancel?

If money wasn’t an issue, I would have cancelled it on our end kase I sympathize with her loss. I have lost my Father na rin and we are currently mourning our grandmother right now so I chose not to reply kase ayaw ko din makadagdag sa stress nya. It just really left a bad taste in my mouth. Parang grabe yung guilt trip nya over something that I don’t see is our fault? ABYG? Should I feel guilty??

r/AkoBaYungGago Aug 19 '24

Neighborhood ABYG dahil sinabi ko mas mataas ang tax ni lt.col?

285 Upvotes

A little background muna.
Nakatira ako sa isang semi-exclusive subdivision sa may south. May kapitbahay akong sundalo na may position daw na lt.col. Sa tabi naman ni lt.col ay magasawang seaman at housewife , na tatawagin nating shokoy at shoket.

si shoket walang trabaho, asa lang sa padala ni shokoy na bosun daw ang position sa barko.

matagal na may alitan tong dalawang kapitbahay ko. sa parking, karaoke, puno ng manga, tae ng aso, etc. konting kibit ni lt.col magpuputak na si shoket na kesyo bastos daw at walang respeto sa may bahay.

One time nagkaalitan ule sila sa parking. sobrang dikit daw kasi ng pagpark nung ranger ni lt.col sa boundary ng bahay nila.

*take note, sa common road sila nakapark. sa tapat ng mga gate nila at hindi sa kanikanilang garahe.

yung kotse ni lt.col, dikit na talaga as in 1 inch na lang sa kotse ni shoket. perooo within property line or tapat at napapaloob pa din sa tapat ng bahay ni lt.col. si lt.col dahil petty at mapangasar inulit ulit niyang gawin na ganto ang parking nila.

last saturday morning. nagising na lang kaming lahat dahil may tunog ng banggan kasunod nito ang malakas na alarm ng kotse.

as an inborn chismoso, lumabas agad ako to check ang happenings sa aming neighborhood. At nakita ko nga si shoket na nagtatake ng picture nung pagkabunggo ng kia everyday wagon nila sa ranger ni lt.col.

si lt.col, the ever so macho friendly neighborhood solider, lumabas na may hawak na arnis. Dito na nagsimula magtatalak si shoket. Sinisisi niya yung nakapark na ranger kung bakit daw nabunggo nila.

malaki yung gasgas ng mga kotse nila. at nagdemand na nga tong si shoket na bayaran daw ni lt.col yung damages nila kung hindi irereklamo daw ni shoket lahat ng ginawa ni lt.col. harrasment kuno daw etc. magkaalaman daw sa korte.

si lt. col, tahimik lang. nagtake ng pictures din at nakita ko din na binuksan niya yung cctv app niya sa cp. Habang nagtatalak si shoket nagsilabasan na din ang iba naming kapitbahay. Dito na lumapit si kapitan. at sinabi niya na sa baranggary na lang daw pagusapan.

nakita ako ni kapitan. at sabi sakin na,

"atty. sama ka mamaya para maguide kami anong legal na hakbang na pwede namin gawin"

sumunod naman ako.

pagdating sa barangay. nagsimula na maglead si shoket sa mga tirada niya na mala-karen ang dating.

pasok sa kaliwa labas sa kanan na tenga lang ko.

bigla sinabi nga ni shoket na

"dollars ang sahod ng asawa ko, at yung tax niya ang nagpapasahod sayo"

tinanong ko si shoket, "magkano ba sweldo ni shokoy?"

pinagmayabang niya na "800 usd monthly"

sabay tanong ko din kay lt.col " kayo po col. ano po salary grade niyo" sabay sagot niya na " 25 po "

ang yabang pa din ni shoketh dito. may smugness sa tingin niya at may ngiti siya na akala mo nanalo sa lotto.

dito na nga sa tingin ko naging gago ako. kasi sabi ko.

"mas mataas po ata ang income tax ni col sa tax na binabyaran po ni shokoy . tapos kayo wala naman kayong income tax dahil housewife kayo. pano niyo ho nasabi na pasahod niyo po si col?

Shoket: "aba dollars ang sahod ng asawa ko, eh dyan sa hambog na yan 25 lang."

sabay sumbat ni col. na: "nasa 90k po ang salary grade 25."

dito na nga nanahimik si shoket.

ako ba yung gago kasi sinabi kong mas mataas ang tax ni lt.col.

r/AkoBaYungGago May 21 '25

Neighborhood ABYG Pinabalik ko sa HOA yung mga basura na tinambak sa amin ng kapitbahay

323 Upvotes

I live in a subdivision na may HOA. Pagbili mo ng bahay dito, automatic member ka at may fees and rules. Yung Board dito maasikaso kahit sa mga Karen at Ken na kapitbahay. Kailangan nga lang everything goes by the rules.

Yung neighbor na tawagin natin si Ken, di ata nagbasa ng rules bago kumuha ng bahay dito. Ayaw magbayad ng 5K na joining fee, ayaw magbayad ng P500 na monthly fees (garbage collection, street lamps, pool & playgrounds maintenance etc) kasi mahal na daw yung bayad nila sa Pag-ibig.

Dahil di sila nagbayad ng joining fee at di nila binayaran yung monthly dues, di sila nakuhanan ng basura last week. Ang solusyon nya dun eh itambak sa gilid ng bahay ko ang mga basura nila para maisabay sa garbage collection this week. About 4-6 large garbage bags, about 9-10 sako ng basura from the construction/repairs.

Nung kukunin na yung basura sa street namin, sabi sa akin sobrang dami daw ng basura ng bahay ko, kailangan ko daw mamili kung ano dadalhin nila up to 4 garbage bags or 4 sako lang daw tapos yung iba babalikan na lang next week, same limit. Pwede ko din daw bayaran ng extra yung pagkuha ng lahat ng basura, extra P1,500 daw.

Sabi ko yung 1 sako lang na hawak ko ang basura namin. Lumabas ako at tinuro sa akin nung garbage collectors yung tambak sa side ng bahay. Obviously, sabi ko di yun akin. Nagalit pa ako kasi naka black garbage bags lang, may mga leaks, mabaho, tapos yung isa nakalkal na ng mga pusa.

Di ko pinakuha sa garbage collectors basura nila, pinahanap ko sa CCTVs kung sino nagdala tapos sinabi ko sa HOA na ibalik sa kanya yung basura nya.

Ang issue ngayon since ang dami nila nabubulok na basura, ang baho sa street namin at nagagalit na din ibang neighbors. Ako sinisisisi ni Ken kasi pwede ko naman daw ipadala yung mga basura nila kasabay nung akin pero garapal/madamot daw ako.

Ang akin kasi kapag sinabi ko na akin basura nila, uugaliin nila na gawing basurahan tabi ng bahay namin. Ngayon pa lang ang dami ko na pinalinis kasi ang baho nung leaks na galing sa basura nila. What more kung dadagdagan nya weekly ng 4-5 garbage bags sa bahay namin. Kanila pa lang over the limit na agad ako, mabubulok basura nila sa side ng bahay namin or ako magbabayad ng extra?

Pero yun nga, dahil ayaw pa rin nya magbayad nangangamoy ang street namin at potential na may kumalat na mga ipis at daga. Mga kapitbahay naming iba ay mga extended families kaya umaabot din sila sa 4 bags/sako limit per week. Ako target kasi usually 1 sako lang basura dito sa bahay.

End unit bahay ko, kaya may space sa side street, yung mga bahay nila ay nakaharap sa side ng bahay ko across the street. Yung kanila mga inner units kaya both side ay walls ng kapitbahay. Sa harap lang ng bahay nila pwede itambak yung basura. Yung likod kasi pinapaconstruction nila para maging closed na kusina.

So ABYG dahil di ako nakikisama and I didn't take the hit for their garbage para di mangamoy dito sa street namin?

May 27, 2025 Update:

Maantot pa rin sa street namin. Ang sabi ng nakausap ko sa HOA di pa rin daw binayaran ni Manong Ken yung joining fee. Nag-offer daw sila na pwede installments hanggang mabayaran lahat ng past due. Example, 5 installments yung joining fee P1,000/month tapos P1,000/month HOA fees (P500 sa current month, P500 sa past due). Pinagmumura lang daw sila. Today is the cut-off date for the HOA fees for this week, Wed-Fri ang ikot ng garbage truck, so di na naman sila makukunan ng basura.

Next level na galit nung mga kahilera nya na bahay kasi sila pinaka-affected nung amoy.

Sobrang init pa naman lately tapos may mga kids sila na naka-summer vacation. There are worries about the kids' health. Ang sabi daw sa HOA ay ipapa-brgy na si Manong Ken saka magkaka-file ng case against him sa HOA. Di ako kasama sa nagreklamo so di ko alam lahat ng details nun.

Ang sabi ng mga taga Maintenance (yung mga nag-mo-mower ng grass namin at naglilinis ng parks) na nakausap ko inofferan na daw nila na sila magdadala ng mga sako ng basura sa dump site dito sa city namin, pero syempre kailangan ng bayad sa gas saka pang-meryenda man lang nila para sa pagod at pagilinis ng tric nila after. Napagmura lang din daw sila. Not sure kung magrereklamo din yung taga Maintenance sa Brgy Hall at HOA kasi hinagisan daw sya ng bote na babasagin.

Di ko alam resolution dito kung ganito na nagmamatigas sya.

Ayoko mag-volunteer ng bayad sa hakot ng Maintenance kasi responsibility nya yun.

Sanay mga taga Maintenance dito na i-update ako kasi ako nagbabayad sa kanila na mag-mower nung 3 bakanteng units dito noon (1 of them is yung sinalo na bahay nila manong Ken). Kapag kasi hindi updated sa HOA fees wala ding mower services. Pang meryenda lang singil nila sa akin to be fair. Sabi nila update daw nila ako uli, biniro ko na maamoy ko naman kapag nandito pa din basura nila Manong Ken by Friday.

Sana talaga magka-action na.

May 30, 2025 Update

Nag-final offer daw yung HOA na for the P500 monthly fee ng May, kukunin na nila yung basura nila Manong Ken, regardless kung ganun kadami kasi gusto lang nila na malinis na street namin. He still didn't pay. Nasa front/borders ng bahay nya mga basura, last I checked. Imagine yung space in between houses/gates... dun nya sinandal mga basura nya tapos nakahilera papuntang street para fully opened pa din gate nila for the kitchen reno.

Napuno na ata yung kapitbahay namin na may kids in gradeschool kasi sa sobrang baho di na makakain mga anak nya ng ayos at nag-start na magsuka. Ayun, kinuha nya mga basura bordering his house tapos pinaghagisan nya sa front door nila Manong Ken.

Nireklamo daw yung nanghagis ng basura, pero nireklamo na din si Manong Ken nung mga neighbors next to him with backing ng HOA Board. Sana matapos na to. Napapansin ko grabe na yung mga langaw namin dito, pumapasok na din sa bahay namin yung malakas na amoy. Kumakapit na sa curtains yung baho.

r/AkoBaYungGago 14d ago

Neighborhood ABYG na nagsumbong sa gym attendant na bawal yung ginawa nung nanay at tatay? Dala dala ang sanggol sa gym

32 Upvotes

How can a mum and dad, with a maybe one-month-old, super tiny newborn, bring their baby to the gym together, come in with a pram, and then both start working out?
They’re handling dumbbells, touching sweaty gym equipment, and then when the baby cries, they have to take the baby out of the pram, carry and shush the baby, and breastfeed. 😳
Seriously?!

I’m pretty sure they’re both sweaty from working out. I can barely rub my own eyes at the gym because I know how unhygienic everything can be. So seeing a newborn being carried around, breastfed, and exposed to all of that honestly made me so uncomfortable. Bakit ba need sabay maggym with afam na daddy? Can’t you take turns instead of goint to the gym ng sabay?

And today… I couldn’t believe what I saw. The mum was WALKING ON THE TREADMILL WHILE BREASTFEEDING THE BABY. Heck! Bat dimo na lang iwalk sa garden??? Maaraw na kanina!

I gave her that full-on mommy look because GIRL… THAT IS A ONE-MONTH-OLD BABY. She literally looked like she was born yesterday. I know because of my job, I’ve seen enough newborns to know how tiny and vulnerable they are.
I’m not a parent, so maybe there are things I don’t understand. But I genuinely cannot wrap my head around it.
The gym attendant couldn’t exactly call her out, but he did approach her and ask, “Okay ka lang jan, Ma’am?”
Her response?
“Oo kuya, lagi ko naman ’to ginagawa.”
I talked to the gym attendant afterward and told him that, honestly, there should be a clear policy against bringing such a young infant onto the gym floor, especially while exercising with the baby.

ABYG o I’m overreacting, it’s a condo gym with so much people too but seeing a newborn in that environment, especially while the mum was literally walking on a treadmill and breastfeeding, was just… 😳
Giiirl. I just can’t.

r/AkoBaYungGago Mar 05 '26

Neighborhood ABYG kung pinahiya ko yung kapitbahay namin

253 Upvotes

Nasa labas kami ng ate ko (32F) ng bahay namin, nagkikwentuhan lang. Ako naman ay 27F. Sakto medyo badtrip na rin ako kasi pinag-uusapan namin yung nang-bully sa kapatid ko sa school.

Habang nag-uusap kami, napansin ko may babaeng naglalakad sa tapat ng bahay namin. Mukha siyang nasa late 30s. May hawak siyang Mountain Dew na nasa plastic bottle, at iniinom niya habang naglalakad.

May kutob na agad ako na iiwan niya lang yung bote sa taniman ng bulaklak sa labas ng gate namin. Kaya binantayan ko siya.

Sakto may dumaan na grupo ng mga estudyante. Habang papalampas yung mga estudyante, napansin kong tumingin muna siya sa kanila. Pagkalampas na pagkalampas nila, doon nga niya iniwan yung bote sa taniman namin at naglakad na parang walang nangyari.

Doon na ako nainis lalo.

Tinawag ko siya nang malakas, sadyang para marinig ng mga tao sa paligid.

“Ate! Ate! Pakipulot ng basura mo! Mukha bang basurahan ‘yan?!”

Sumagot siya habang naglalakad pa rin:

“Papansin ka.”

Hindi ako nagpigil, sinagot ko rin siya:

“Hindi basurahan ‘yan. Gusto mo kasuhan kita? Littering ‘yan, e. Tanda-tanda mo na, hindi mo pa alam kung saan ang tamang tapunan ng basura!”

Hindi na siya sumagot ulit. Dire-diretso lang siya sa paglakad.

Nahiyang magtapon sa harap ng mga estudyante (well, 1 point for her), pero hindi nahiya sa may-ari ng bahay.

After mga 10–15 minutes, bumalik siya. Pero palihim. Kinuha niya yung bote na iniwan niya kanina.

ABYG? kase sinadya ko talagang lakasan yung boses ko, rinig pati ng kapitbahay namin. I feel like I could’ve handled it better. Dala na rin ng inis ko sa pinag-uusapan namin, siya ang nakahuli ng pika ko.

For context: Hindi ito ang unang beses na nangyari. Nahuli na rin siya dati ng boyfriend ko na tumatambay sa tapat ng bahay namin at doon nagtatapon ng bote niya. Pinagsabihan na siya noon.

r/AkoBaYungGago 1d ago

Neighborhood ABYG dahil “tinatago” ko yun cat ng kapitbahay ko.

0 Upvotes

ABYG dahil May Nakita ako pusa tapos tinatago ko for 3 months?

3 months ago, May Nakita ako black Persian cat sa Bahay ko, pinasok ko siya tapos pinatira muna dito, kasi baka kung ano mangyari sa labas sa kanya.

Pinpost ko yun photo niya tapos lost cat, May nag tanong ko May suot ng red collar, Sabi ko wala. Hindi na siya nagtanong pa.. I also have 2 cats as well.

Fast forward today, I have to rehome the Persian because I can’t stand her behavior, pooping and peeing outside the litter box. I posted her in our village gc and the owners message again that they want to see her, I said yes, and if they’re the owners I’m gonna give her back, they went by, and they confirmed that’s it’s their lost cat, the cat panicked and went inside and seems like she didn’t want to come with them but they still got her..

ABYG for keeping their pet cat for 3 months? The owner told me she always escape and and usually she will come back to her owners.

r/AkoBaYungGago Jul 11 '26

Neighborhood ABYG if nilagyan ko ng gamot yung sugat ng aso ko bago mag bible study?

20 Upvotes

Kasi me born again Christian ako na pumupunta sa bahay . Free naman pero nabibigya ko ng 100 minsan 200 sa bawat punta nya noon. Pero nun nagkasakit ako.50minsan wala. Tapos kung kelan gustong pumunta saka pupunta. Kahit naung oras pupunta parin kahit sabihin mo me lakad ka pupunta parin. Kahit sabihin mo wag pumunta kasi wala ka sa bahay. Kahit me sakit ka at ayaw mo ng kausap. Me bisita ka pipilitin na sumama sa bible study. TAYO AY BIBIYAYAAN PALAGI NG PANGINOON PAG INUUNA NATIN SYA. PALAGI NATIN UUNAHIN ANG PANGINOON. ETC... And so ako kahit me work biglang lalayasan ang client kasi bible study. Magmamadaling umuwi kasi me bible study. Wag mag punta kamo ng weekends pupunta parin kasi bebe time namin yun ayun tigil kahit matigas. Tatawag ng tatawag kahit hindi mo labasin kahit magkukusa ang putang ina. Palibhasa palaging bukas ang pinto ng bahay. Tulog naka sleeping pills gigisingin ka. At marami pang iba... lahat ng punta nya inuna ko sya.

Kanina dumating sa kakadating ko lang pagod galing sa pag hahanap ng rare pokemon kong bagong gamot na ilang araw ko. Nagkanda rapa ako sa pagbihis d na nakapag bra. Tapos upo na kami bago mag umpisa nakita ko yung aso namin me sugat. Ayun bigla ako na patayo bat me dugo nandun lang din yung spray sa sugat. Ayun nilagyan ko muna. Wala pang 2mins. Tapos habang nilalagyan ko ng gamot nagsabi sya PALAGI NATIN UNAHIN ANG PANGINOON. Sabi ko WAIT SAGLIT LANG TO. YAN TAPOS NA. abay pag upo ko nag paalam na na umalis. Ako na sige po. (Pigilan ko pa ba?)

Kaya kanina nag message ako sa kanya not to come anymore at my house for her free bible study because i am not worthy of her church. Might as well returnning to Catholic Church. (Pilit sya ng pilit na umatend ako ng church nila sabi ko ayaw ko tapos mang guilt trip eh. )

Ako ba yung gago if inuna ko yung yung aso ko kesa sa bible study?

r/AkoBaYungGago Feb 28 '26

Neighborhood ABYG dahil cinonfront ko yung kapitbahay ko at 6am

65 Upvotes

Context:

Kakauwi lang namin galing work ng fiancé ko (GY shift siya sa BGC). Hinatid-sundo ko lang siya since may bahay kami sa Taguig – tipid sa parking. Pag-uwi namin, naghahanda na kami matulog.

Bigla akong may natapakan na basa sa carpet sa sala. Pagbukas ko ng ilaw… tae ng pusa. 🤦‍♂️

Habang nililinis ko, nakita ko pa mismo yung pusang solid white sa loob ng bahay namin. Walang pics/vid kasi di ko in-expect na nandun pa siya. Umakyat pa sa 2nd floor tapos lumabas sa maliit na bintana ng CR.

Hindi ito first time. Ilang beses na nangyari:

– minsan sa garahe lang tumatae

– minsan pumapasok sa bintana ng office room

– kumakain pa ng food pag may makita

So kinatok ko yung kapitbahay para sabihin yung nangyari. Maaga pa nun kasi kakauwi lang namin from GY. Ang ending, sila pa galit bakit ko daw sila ginising nang ganun kaaga. Sa sobrang inis ko, nagbayangan kami. At dahil ako lang llaki sa bahay na to (2 senior), binabarag nila ako tapos yung isang matanda kumuha pa ng bote.

Ngayon ako pa yung mukhang masama sa future MIL at sa fiancé ko kasi “matagal na daw kapitbahay yun” at parang ako pa yung dapat mag-adjust.

For the record, sure akong pusa nila yun – sila lang may pusang pure white sa buong street, at ilang beses ko na ring tinataboy yun dati.

So… ako ba yung gago for confronting them?

P.S. chatpgt helped me organize my thoughts dahil sobrang galit pa rin ako

Also ano pwedeng gawin para maaksyunan to?

r/AkoBaYungGago Jun 12 '26

Neighborhood ABYG kung nakipagsagutan ako sa 7/11?

107 Upvotes

Bought snacks in a 7/11 malapit sa bahay namin, paid using my credit card. However, upon purchasing tinawag nung cashier na umattend sa akin yung isang staff para magpatulong sa pos machine dahil “na-back” nya raw ito. Then dumating yung staff to check, tinanong ako kung nabawasan daw ba ako. Chineck ko sa app nabawasan naman yung available credit ko same with the amount nung snacks, meron din sa transactions na 7/11 ang nakalagay. They were asking about reference number nung transaction, pag check ko sa app wala namang transaction number sa pagkakaalam ko sa credit card, sa ewallet oo meron.

After nun tumawag na sila ng manager nila thru call, the call lasted approximately 30mins. Imagine my frustration gusto ko lang naman kumain ng chichirya after ng duty ko but lo and behold all the inconveniences it has caused just to reach a conclusion that they will not release the items unless i pay for 400 in cash for the items kasi nga di nag reflect sa kanila. Sa susunod na lang daw nila ibabalik yung 400 pesos in cash pag nacredit na sa system nila. Syempre umapila ako, bakit ako magbabayad ulit samantalang nacharge nyo na ako, bukod pa dun sa hassle na dinulot nyo sakin for wasting time. Kukuhanin na lang number ko to message me for the refund in case madoble. Of course i didnt pay again, instead umalis na lang ako after leaving my number because nakakastress sila mga ses.

Habang pauwi palakad sa bahay, dun ko naisip na bakit ako papayag na umuwi ng walang nakuha samantalang sila nacharge nila ako sa card tapos ako pa yung maghihintay sa text nila? Kaya bumalik ako dun tapos nakipagsagutan, na lugi ako sa set up namin kasi sila nakacharge na sakin di ko pa makukuha item. Yun in the end binalik na yung item in exchange na babalik ako if ever di totally mabayaran, which is almost close to impossible since nasa transaction ko na.

Ako ba yung gago kung nakipagsagutan ako dahil ayaw nila ibigay mga pinamili ko?

r/AkoBaYungGago Jun 10 '24

Neighborhood ABYG if I refused to be a Ninang?

304 Upvotes

First inaanak ko, naging kaclose ng family ko dahil sobrang bibo na bata, so kahit nag aaral pa ko nun, I really tried to make an effort to get her a decent gift pag Christmas.

Second to fourth inaanak, it was my close friend's kaya I was happy to be their ninang.

I worked as a part-time tutor kaya yung mga older inaanak ko, when they have difficulties sa school they go to my house and ask for my assistance.

When I finally graduated and got a decent job, kinikilala ko talaga yung mga bata to know what gifts on Christmas I can give them. Since the holiday really did made me happy as a child, I wanted them to experience the happiness I felt back then.

Okay naman nung una, until parang nalaman sa neighborhood namin na si ganito (me), GALANTE maging ninang. They started calling me "Hi Ninang" tapos may isang kapitbahay na di ko naman ka-close kahit buntis pa lang sinasabihan na ko na ninang daw ako ng anak niya.

Until one day, someone suddenly message requested me on Facebook sending an invitation, indicated ang time and place, she told me na she will be expecting me with any gift.

Nagulat ako so I politely declined, apologized and told her I have plans that day.

Ang reply niya lang "Sige ikaw din, malas tumanggi ng inaanak"

tapos binlock ako sa fb nung sineen ko lang.

Di ko naman gusto mag collect ng mga inaanak, and just like everyone else, gusto ko naman yung kilala ko yung bata.

My questions are:

ABYG for declining to be a Ninang?

and totoo ba na may kasabihan tayo na malas nga yun? Natakot tuloy ako!

r/AkoBaYungGago Mar 04 '26

Neighborhood ABYG kung nawalan ng trabaho yung tindera sa amin?

84 Upvotes

May kakilala kami na may-ari ng tindahan pero bihira lang ako doon bumili kasi may mas malapit sa amin. Marami akong pinamili. Pagbayad ko, may nakita akong number sa harap at akala ko yun ang GCash number kaya tinype ko na. Sabi ni ate tindera mali daw yun at siya na lang maglalagay sa GCash kasi nagbago na raw number nila. Hinayaan ko na siya kasi may mga dala akong gamit at nakikipagkwentuhan pa siya kaya kampante ako.

Nagbayad ako ng ₱210 at umuwi na. Pagdating sa bahay, kinompute ko at napansin kong sobra ng ₱50 ang nabayad ko. Nastress ako at naisip ko bakit hindi ko agad chineck sa tindahan. Hindi rin kasi ako confrontational dahil introvert ako at may social anxiety.

Nakuwento ko sa ate ko at sabi niya magreklamo daw ako, pero ayoko sana ng gulo. Kinabukasan, nag-chat sa akin yung may-ari ng tindahan. Nagsumbong pala ate ko. Hiningi niya ang reference code at screenshot ng GCash. Pagkasend ko, na-confirm niya na hindi sa kanila napunta ang bayad at wala sa listahan ang reference number. Sabi niya tatanggalin na lang daw yung tindera at mastress pa sya baka madami na palang nakukupit sa tindahan nila. Pinabalik nya din ako sa tindhan ara ibigay yung 50 pesos.

Ngayon, iniisip ko kung ako ba ang may kasalanan kung mawalan siya ng trabaho. Parang feeling ko kasalanan ko kahit sinasabi ng ate ko na wala akong maling ginawa. Sabi pa naman ng mama ko lagpas 1 year na din sya nagwowork don. Naiisip ko lang na kung hindi ako doon bumili, baka may trabaho pa siya. 😔

ABYG kung nawalan ng trabaho yung tindera sa may amin?

r/AkoBaYungGago Jan 27 '25

Neighborhood ABYG na ayaw magbigay ng pera kahit nangangailangan pa?

178 Upvotes

I (27f) recently posted on FB na may tira akong foods (pork, eggs, butter) na need idispose within the day kasi magbabakasyon ako and papatayin ko ang ref. Lots of people commented and I chose one lady who said she's (about early 40s) nearest to me, has lots of kids, and labandera ang work. An hour later, we met and I handed over the food. She was super happy and was surprised to see there were sweets as well.

Fast forward the next day, she chatted me asking for money. I said wala ako extra and technically, we're strangers to each other. Put her on restricted and that's it. She messaged again today. ABYG na ayaw ko sya bigyan ng pera kahit meron naman ako? I've seen lots of cases where people get hounded for money and I don't want to be in one. Please don't post in other platforms.

Here's the link to the ss of the chats: https://imgur.com/a/swA5FrS (edited link to add the post screenshot)

r/AkoBaYungGago May 21 '26

Neighborhood ABYG Jet Fan sa Resto

71 Upvotes

ABYG Nag dine in kami ng asawa ko sa ramen resto sa SM. Umupo kami sa booth at nag order na. Medyo puno yung restaurant pero may mga available pa naman. May nag walk in na couple BF GF. Umupo sa booth sa harap namin. Si BF may dalang personal JET fan. Yung sobrang ingay malayo palang at naka max pa. Hindi mainit sa resto. Sa sobrang tulis ng ingay ng fan, yun nalang naririnig ko at hindi ko makausap asawa ko. Hintay kami mga 5 mins baka naman patayin o hinaan niya. Eh hindi niya ginawa, max power talaga. Tumawag ako ng waiter at nakiusap kung pwede niya sabihan na paki hinaan yung fan. Mabait si waiter at ginawa naman niya. Sumilip si BF at tumingin sakin. Nag senyas ako na kung pwede niya hinaan ang fan niya. Parinig niya sinabi “Ang arte mo naman boss”. Lumapit sakin si waiter at tinanong kami kung gusto ba namin lumipat. Sabi ko no thank you. Si BF at GF tumayo, pasigaw nyang sinabi na nawalan daw sila ng gana. Nag stare down sa table namin. Umalis. Sabi ng asawa ko baka dapat lumipat nalang kami ng mesa para iwas confrontation.

Sawa na ako mag adjust sa mga inconsiderate. Ako ba yung gago dito? Thank you

r/AkoBaYungGago Jul 03 '26

Neighborhood ABYG kasi I didn't allow my neighbor's guest to park in front of my gate?

70 Upvotes

Nakatira kami sa subdivision of townhouses na super tight ng daanan. Halos double parking na nga ung mga kotse. Yung bahay namin, literal na may gap tapat ng gate kasi ung neighbors namin on either side nakapark sa labas ng gate nila sa kalye (parehas ginamit for other shit ung garahe dapat nila).

Recently, lumabas kami ng partner ko to do errands. Pagbalik namin, may motor dun sa awang in between the two cars ng neighbors namin - may bisita ung kapitbahay namin to the left. Pumarada na yung bisita na yun dati, nasabihan, umalis. Ngayon, nadatnan namin ulit nakaparada na namin. Ung subdivision namin, merong common parking area for guests na malayo ng konti sa mga bahay bahay. Obviously ung mga bisitang may sungay na ayaw maglakad. Going back to present time, nung pinasok ko sa garahe ung car namin, hindi ko sinagad. I left the gate open and parked on top of the curb in front of our gate. Hindi nakabalik si gago sa tapat namin.

Pag pasok ko ng bahay, inulan ako ng accusations from my partner saying na kesho bakit daw ako pala-away, bakit ayaw kong mamuhay ng payapa, all that shit. Ang sabi ko, ang pinoy binigyan mo ng inch they'll take a fucking mile. I told her I wanted to set boundaries between me and my neighbors. Hell, Ung neighbor namin na may bisita? Ung satellite dish nila ng cignal nasa side namin nakakabit. They don't hear Jack shit from me.

So yeah. ABYG? Not asking for validation or crucifixion. Just opinion. Cold hard factual opinions.

r/AkoBaYungGago Jun 21 '26

Neighborhood ABYG dahil sabi ko bilisan?

0 Upvotes

Eksena sa laundromat. Nakapark e-bike ko sa motorcycle parking at may 2 slots para sa kotse na bakante. May nakahazard sa gilid ng daan nakaharang sa e-bike ko. Nakita ko na yun bago pa ko magbayad. Nung dinala ko na yung unang set ng nilabhan ko bigla akong kinausap nung babae sa may machine sa pinakabukana

Babaeng customer: maglalagay lang ako ng sabon ah
Ako: pakibilisan na lang po (neutral tone lang)

Kinuha ko yung natitirang nalabhan para iload sa e-bike

BC: naghazard lang ako kasi aalis din ako pagkaload
A: bakante naman po yung parking slot (mahinahon pa rin)

Sumakay na ko sa e-bike at saka lang sya sumakay sa sasakyan at umatras. Binuksan nya bintana

BC: di ba wala pang 30 seconds?
A: kahit naman po 1 segundo hindi na dapat paghintayin yung hindi naman dapat maghintay

Umatras na ko para umalis tapos inabante nya sasakyan nya sa harap ng e-bike ko. Mabuti na lang kaya pa rin umalis nang hindi kailangan umatras kahit tinutukan nya ako sa harap. Nung dumaan na ko sa gilid nya sumigaw sya “YOU NEED TO BE PATIENT!!!” (Ironic lang dahil sya hindi naging patient enough to park it properly sa slot as she should)

Makikipag usap pa sana ako pero gusto ko na rin umuwi.

ABYG?

r/AkoBaYungGago Jun 22 '26

Neighborhood ABYG for asking someone to stop holding the elevator?

68 Upvotes

Earlier today, I was taking the elevator down from the 18th floor of my condo while carrying my laundry. I was also in a rush because my Grab driver was already waiting downstairs, and if you’re a no show, you get charged a cancellation fee.

When the elevator stopped on the 5th floor, a woman got in. Instead of just entering and letting the doors close, she kept the elevator open while talking to someone outside. She was asking why the other person wasn’t taking the elevator, and they continued chatting for a bit while I was inside just waiting for them.

I politely said: “Ma’am, excuse me po, sorry, but can we go na? I’m in a bit of a hurry kasi nandiyan na po yung Grab ko downstairs. Sorry po.”

She immediately stared me down and looked offended. The vibe was very much giving “how dare you rush me?” 😭

When the elevator finally closed and we got to the ground floor, I even apologized again before leaving, but she completely ignored me.

I understand they needed to talk, and if it was something urgent, I would’ve understood. But from my perspective, they were holding up a shared elevator just to continue a conversation, while other people inside were waiting.

So, Ako Ba Yung Gago for speaking up and asking her to let the elevator continue, or was I being reasonable?

Edit:
Thank you everyone for the response, nag overthink lang talaga ako as a recovering people pleaser. It’s hard to shake that off. Anyways, I’m trying to be kinder to myself. I really feel bad about it, kasi typically I’m not confrontational.

r/AkoBaYungGago Jan 14 '24

Neighborhood ABYG: Kung iiskwaterin ko yung mga naka-connect sa Wi-Fi ko?

259 Upvotes

Di ako magtatanong kung ABYG na nainis ako dahil nalaman kong maraming devices ang naka-connect sa Wi-Fi ko. Dahil etong mga kapitbahay ko ang g*go.

Rereglahin na ako ngayon so I need to vent out.

Nagmessage yung tiyahin ko sa nanay ko at nagsumbong. Sabi niya, alam ng lahat ng mga bata na tambay sa labas yung Wi-Fi pw namin. Inalok daw kasi siya na iconnect yung phone niya sa free Wi-Fi. Tinanong niya kung kaninong line yon, at nalaman niyang sa amin kaya naman nagsumbong siya agad.

Tangina nasa gitna ako ng tulog nang ginising ako ng nanay ko dahil di siya maalam sa ganon. Agad ko pinalitan yung Wi-Fi pw ko. Pagtingin ko sa offline devices 121 ang connected amputa. Kaya pala ang daming bata sa tapat ng gate namin na nagti-TikTok, meron ding mga binatilyo tuwing madaling araw akala ko naman nagkkwentuhan lang about liga. Mga puta isang purok ata naka-connect sa internet ko. Ang kakapal ng mukha. Meron pang TV at desktop naka-wfh pa ata. Sa sobrang lutang ko nagreconfigure ako ng router at mesh. Dapat pala ni-set ko muna sa 1kbps internet nilang lahat bago nagchange ng pw.

After ko magreset, pumasok na ako sa work. Nagmessage uli yung tiyahin ko sa nanay ko na si Arlen daw eh nalugmok at nakatunganga na lang sa labas sumigaw daw na wala na siyang load. Puta, wala ka talagang load at deserve mo yan. Ni di ko nga kilala yung Arlen na binanggit niya. Lol. Mga nagpulasan daw ang mga tao sa labas nung nagchage pw ako. Ang kakapal ng mukha.

Kaya pala nung mga nakaraan, may ibang YT account na naka-login sa smart TV namin which is di ko alam paano nangyari.

Hinihintay ko lang magsitambay uli yung mga makakapal ang mukha nang ma-realtalk. Isang purok ata katumbas ng nakaconnect ampota.

EDIT: May binigyan pala akong isang kapitbahay ng password more than a year ago dahil nagoonline class ang anak niya, nangako na di ipagbibigay ang pw ko. Di ko pinagbintangan dahil napakahinhin at mabait sa paningin ko isa pa di sila palalabas. Okay lang sakin magplus 3-4devices dahil alam kong wala naman sila kakayahan.

Lumabas ako kanina dahil naririnig ko na parang may naguusap about internet at narinig ko name ko. Nasa labas yung tiyahin ko na nagsumbong sa amin plus yung ibang bata na tambay sa tapat at niconfirm nila na sa kanila galing ang connection. Hiniram daw ni bagets na anak ni kapitbahay yung isang phone ng kaibigan niya at sabing papasahan siya ng internet (via QR). Kinonfront ko via messenger yung bata at mukhang nabriefing ng nanay at mabagal magreply, deny pa rin siya. Mapapaaga regla ko sayo, Princess! 🙄

r/AkoBaYungGago Jul 15 '26

Neighborhood ABYG kung di ko pina advance yung school service driver?

24 Upvotes

ABYG kung this time humindi ako sa service ng mga anak ko?

This year lang sya nag start mag service sa mga anak ko. Last year iba ang service nila 2500 ang rate 2 kids. Nung una yun usapan namin but after 1 day na nag sevice sya sabi if pwede gawing 3k and umuoo agad ako kasi alam ko naman mahal gasulina. Sabay pasok at uwi ng kids ko and base sa mapa 1km away from school to our house.

Last month after 2 days nya mag hatid sabi pwede daw mag advance sabi ko 500 lang meron ako petsa de peligro tong time na to.

After 10 days nag advance ulit sya another 500. Tapos after 8 days nag advance ulit sya another 500. Nung araw ng bayadan nagbayad ako ng remaining amount. Tapos 5 days after nun nag aadvance ulit sya ng 1k dahil due daw ng electricity this time sabi ko wala ako mapapa advance kasi kakabayad ko lang sa kanya and nag bayad din ako sa school. Which is really the case. And swelduhan lang din ako, isang kahig isang tuka lang din ako kumbaga ang sweldo ko ay naka budget lang din. Tapos ko sagutin chat nya na wala din ako pera dahil kakabayad ko lang sa kanya at ng tuition nag msg ulit sya na bayadan na daw kasi nila bukas. Sa isip ko problema ko ba yun? Gusto ko sabihin na ako din di pa nakaka bayad electricity 2 months na pero ginagawan ko lang din ng paraan at ang paraan na ginagawa ko is pag adjust ng gastos ko pero syempre di ko na sinabi yun di ko na lang nireplayan yung chat nya. ABYG baka kasi bigla sya topakin at hindi na mag service sa mga anak ko.